Rica Peralejo buntis na uli sa 2nd baby matapos makunan


MATAPOS makunan two years ago, buntis na uli ang dating aktres na si Rica Peralejo sa kanyang second child nila ng asawang Christian pastor na si Joseph Bonifacio.

Ito ang ibinandera ni Rica sa kanyang Instagram account, four and a half months na siyang buntis, “Oo, totoo po ang balita na bu…sog po ako,” caption ni Rica sa kanyang IG photo.

Ito na ang ikatlong pagbubuntis ni Rica, ang panganay nilang si Philip Nathaniel ay five years old na.

Samantala, maraming social media followers si Rica ang nagkomento na bumalik na siya sa pag-arte.

Read more...