World-class performers rarampa na sa One 690


INILUNSAD ng matagumpay na negosyante at Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino ang evolution ng entertainment bar. Kakaiba ang 24 production number na kanilang inihanda na swak sa panlasa ng mga millennial.

Level up na ang masasaksihang palabas sa The One 690 (39 Roces Ave., Q.C. infront of Amoranto Sports Complex).

Nagsimula ito noong 1972 na kainitan pa ang martial law kung saan istriktong ipinatutupad ang curfew at bawal pang pumasok ang mga babae noon. Itinayo ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan ni Raoul Barbosa.

Pansamantala itong nagsara hanggang muli ngang buksan ni Wilbert katuwang ang co-owner-manager na si Genesis Gallios. At tinawag nga itong The One 690. Sila rin ang nagkonsepto ng ebolusyon ng show.

“Since 2004 binigyan ako ng basbas na ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez dahil nakita niya ang passion ko sa entertainment industry and as they say, the rest is history,” lahad ni Wilbert.

Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar, hindi na solo ng kabadingan. Ang The One 690 ang ang unang magsi-set ng high standard caliber ng entertainment sa henerasyon ngayon.

Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous at amazing ang show with pasabog na mga costume at production design. Nandiyan ang Las Vegas-type shows, Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris.

Of course, hindi pa rin nawawala ang mga nagseseksing transwoman at mga guwapong modelo sa kanilang world-class performances, “‘Yung 24 production numbers na ipinakita namin sa press ay teaser pa lang, kumbaga patikim pa lang ‘yun dahil mas marami pa kaming pwedeng i-offer,” sabi pa ng negosyante.

“Ni-level up din namin ang mga show para sa aming ‘girls night out’ na trending ngayon sa millennials, lalo na ang mga bridal shower. Open minded na ang society ngayon compared noong 70’s 80’s at 90’s. Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon,” aniya pa.

Nagpasalamat din siya sa suportang nakukuha nila sa kanilang mga parokyano. Bolder, wiser, sexier kung ilarawan nila ngayon ang The One 690 Entertainment Bar na may tagline na, “It’s quality men entertainment”. Bisitahin ang kanilang official website (www.690manila.com) for more details.

Bukod dito, nag-decide rin sina Wilbert at Genesis na magtayo ng isa pang entertainment bar, ang Apollo na matatagpuan sa 717-B Roxas Boulevard, Parañaque.

Read more...