Maricel OA ang reaksyon sa pagiging aktor ni Arjo


FOR  Maricel Soriano to give a perfect 10 sa isang kapwa artista in terms sa husay umarte is something else.

Ito kasi ang gradong ibinigay ng Diamond Star sa bago niyang co-star in an ABS-CBN teleserye na si Arjo Atayde.

But the OA part in Maricel’s assertion is that ngayon lang daw siya nakakita ng isang aktor na sobrang galing umarte.

OA in the sense na ilang dekada na ba sa showbiz si Maricel? At ilan na bang actor ang nakasama niya in many a serious drama movie para i-single out si Arjo?

No doubt, Arjo is tops in the acting department. Pero iilan lang silang kabilang sa departamentong ‘yon alongside John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Joshua Garcia, to name a few.

Maricel’s assertion would have sounded more sincere kung sinasabi niyang isa si Arjo sa mga mabibilang lang na magagaling na aktor.

Pero sige na it’s Maricel talking. Pero isa siya sa maraming puwedeng buntutan ng “after all” ang pangalan kapag binanggit.

Wish lang namin, via her new teleserye ay makakita naman kami ng ibang atake ni Maricel sa kanyang papel.

Naalala kasi namin ang medyo matagal nang Facebook post na collection ng mga eksenang sampalan ni Maricel sa TV at mga pelikula niya.

Sampung eksena ‘yon hango mula sa mga confrontation niya with matching tumatak nang mga linya niya.
And if we are to give our non-numerical rating, executions offered not much difference.

Read more...