Sigaw ng netizens: Miss U Catriona magsalita vs criminalizing 9-year olds

Ilang netizens ang kumakatok ngayon sa social media account ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para magbigay ng sarili niyang posisyon sa isinusulong na pagbaba ng edad ng  magsalita laban sa pagbababa ng edad ng criminal liability.

Una nang isinusulong sa Kamara ang pagbaba sa 9-years old ang criminal liability mula sa kasauluyang 15.  Gayunman, sa ikalawang pagbasa, ginawang 12-anyos ang edad ng criminal liability dahil na rin sa matinding pagtutol ng netizens.

Rason ng mga netizens, isa kasi sa mga adbokasiya ni Catriona ang kabataan kaya dapat umanong magsalita ito ukol sa nasabing isyu.

Nais ng mga tutol sa bagong batas na ito na gamitin sana ni Catriona ang kanyang plataporma bilang bagong koronang Miss Universe para pigilan na maipatupad ito.

Samantala, trending naman ang #ChildrenNotCriminals sa Twitter, kung saan inihahayag ng mga netizens ang pagtutol nila sa pagbaba ng edad ng kriminalidad.

Naghayag din si Anne Curtis ng kanyang saloobin tungkol sa issue.

Read more...