Look: Reward money para sa paglutas sa pagpatay kay Batocabe ibinigay na ng Kamara

IBINIGAY na ng Kamara de Representantes kahapon ang reward money para sa para nagturo sa pumaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Pinangunahan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagbibigay ng P8 milyon pera na nakalagay sa itim na bag kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Nauna ng ibinigay ng Kamara sa PNP ang P5 milyong pabuya. Nangako ang Kamara ng P13 milyong pabuya para sa makapagtuturo sa pumaslang kay Batocabe. Umabot sa 197 kongresista ang nag-ambagan para makalikom ng pabuya.

May P15 milyon ding bigay ang Ako Bicol Partylist at P2 milyon mula sa Albay provincial government. 

Umabot sa P50 milyon ang reward money, at P20 milyon dito ay galing kay Pangulong Duterte.

Si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Batocabe na kalaban nito sa pagka-alkalde sa Mayo 2019 elections.

Read more...