Anne biglang tumaba, lumalaki ang balakang…buntis na?

SOBRANG natuwa at na-proud ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang “bebe girl” na si Anne Curtis sa pagpayag nito na mag-cameo sa upcoming movie niya.

Nag-post si Ai Ai ng picture nila ni Anne sa kanyang Instagram account kung saan nakasaad doon ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa host ng It’s Showtime.

“Thank you baby girl @annecurtissmith as always hindi mo ako nakalimutan, ang aking anak sa Dyesebel na madami ng narating at mabait na anak padin. Sabagay mabait naman talagang anak to naalala ko dati binili nya ang mommy nya ng house sa Australia kaya super work sya,” mensahe ni Ai Ai.

Nagkatrabaho sina Ai Ai at Anne bilang mag-ina sa comedy movie ng yumaong direktor na si Wenn Deramas na “Ang Cute Ng Ina Mo” noong 2007. At nasundan naman sa pantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel noong 2014.

Kasama rin sa mensahe ni Ai Ai kay Anne ang dasal niya na magkaroon na siya ng apo sa TV host-actress. Mukhang any moment ay magkaka-baby na si Anne at mister niyang si Erwan Heussaff.

Pansin na sa TV ang lumalaking katawan at balakang ni Anne ngayon, huh!
While si Ai Ai naman, isa rin sa main goal niya this year ay magka-baby na sila ni Gerald Sibayan. Siyempre, with the help of SIYENSYA.

Read more...