SINIMULAN na ngayong araw ang pagtalakay sa panukalang ibaba sa siyam na taong gulang ang mga maaaring parusahan kapag nakagawa ng krimen sa plenaryo ng Kamara de Representantes.
Sa kanyang sponsorship speech, iginiit ni House committee on justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon na hindi itatratong kriminal ang mga bata sa ilalim ng House bill 8858 gaya ng iniisip ng iba.
“This bill is a pro-child and pro-children legislation… there will be no imprisonment and he will not be treated as an adult,” ani Leachon sa pagtatanong ni Rizal Rep. Jack Duavit.
Hindi rin tatawaging kriminal ang mga batang lalabag sa batas kundi Children in Conflict with the Law.
Ang mga bata na ikukulong umano sa Bahay Pagasa ay kung makagagawa ang mga ito ng mabigat na krimen gaya ng rape, murder, parricide, infanticide, homicide, serious illegal detention, rape with homicide, robbery with homicide, arson, carnapping at krimen na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.
Walang bata na wala pag siyam na taong gulang ang maaaring ipasok sa Bahay Pagasa.
Ang mga matatanda na gumagamit sa bata sa paggawa ng krimen ay maaaring makulong ng 12 taon hanggang habambuhay.