Isabelle gumawa ng kontrata para sa ‘proteksyon’ ng mga kasambahay


KAILANGANG tularan daw ng ibang celebrities si Isabelle Daza pagdating sa pagkuha ng mga kasambahay o house helpers. Talagang gumawa pa siya ng kontrata para maprotektahan ang mga ito at mapanatili ang maganda nilang samahan.

Ipinost ni Isabelle sa kanyang Instagram story ang ginawa niyang official contract kung saan nakapaloob ang lahat ng benefits at responsibilidad ng kanyang mga kasambahay.

Aniya, “So I decided to create a contract for my helpers at home to show their job description and their rights as an employee.” May karapatang mag-break ang mga ito sa loob ng walong oras nilang trabaho bilang “labandera” at “tagalinis.”

Meron din silang day off at sick leave. Pero ayon sa kontrata, hindi pwedeng mag-advance sa kanilang sweldo ang mga ito kund hindi naman “emergency.”

“This is also so they know they cannot get fired over simple mistakes. This will help them feel secure and proud to keep a job and protect both parties. And in return of course they do a job well done.”

Siya rin daw ang nagbabayad ng Social Security System (SSS), Philhealth at Pag-ibig contribution ng kanyang house helpers.

Read more...