Daraga mayor inaresto matapos mahulihan ng mga baril

INARESTO si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos matagpuan ang mga baril at bala sa kanyang bahay sa Barangay Tagas sa Daraga, Albay.

Sinabi ni CIDG-Bicol Director Sr. Supt. Arnold Ardiente na walang kaukulang permit ang mga nakumpiska sa bahay ni Baldo.

Kabilang sa mga narekober ang dalawang caliber .45 pistola at 16 na bala, isang ammunition grenade launcher, isang 5.56 ammunition, at isang walang lamang magazine para sa Uzi submachine gun.

Si Baldo ang itinuturong bilang utak sa pagpatay sa Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe noong isang buwan.

Read more...