NASAWI ang isang kandidato sa pagka-konsehal ng Aborlan, Palawan, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin, Lunes ng hapon.
Agad ikinasawi ni Ruben Goh, residente ng Brgy. Poblacion at isang independent candidate, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Supt. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Naganap ang insidente pasado alas-5, sa panulukan ng National Highway at Provincial Road sa Brgy. Magsaysay.
Nagmomotorsiklo ang 51-anyos na si Goh pauwi ng bahay, mula Sitio Marimras, nang paulanan ng bala ng dalawang tao sa intersection, ani Faltado.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang pamamaril.
Inabisuhan din ang mga pulis sa mga karatig-bayan na magsagawa ng checkpoint para maharang ang mga salarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.