MAS marami ang sumusuporta sa pag-apruba sa Bangsamoro Organic Law pero mas marami ang mga undecided ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na isinagawa noong Disyembre 16-19, ang nagsabi ang 36 porsyento (14 porsyentong talagang gusto at 22 porsyentong medyo gusto) na pabor sila sa BOL.
Ang mga hindi naman pabor ay 22 porsyento (13 talagang hindi gusto at 9 porsyento na medyo hindi gusto).
Ang undecided naman ay 42 porsyento.
Sa mga tinanong na Muslim 79 porsyento ang nagsabi na sila ay pabor at 7 porsyento ang hindi pabor. Mayroong 14 porsyento na undecided.
Sa mga Katoliko na tinanong, 33 porsyento ang pabor, 22 porsyento ang hindi at 44 porsyento ang undecided.
Sa mga Iglesia Ni Cristo, 26 porsyento ang pabor, 12 porsyento ang hindi at 62 porsyento ang undecided.
Ang iba pang relihiyon o paniniwala, 37 porsyento ang pabor, 28 porsyento ang hindi at 35 porsyento ang undecided.
Sa tanong kung may kakayanan ang Moro Islamic Liberation Front na pamunuan ang itatayong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, sinabi ng 33 porsyento na meron, 23 porsyento ang nagsabi na wala at 43 porsyento ang undecided.
Kinuha ang opinyon ng 1,440 sa survey. Mayroon itong 2.6 porsyentong plus/minus error of margin.