NAGSIMULA na kahapon ang The General’s Daughter at hindi namin napanood ang first week screening nito dahil hindi nakarating sa amin ang invite.
But based on netizens’ comments sa social media ay waging-wagi ang comeback soap ni Angel Locsin.
Ang gaganda ng reviews na aming nabasa sa Twitter.
“Saw the pilot week of #TheGeneralsDaughter. Congratulations, @143redangel! Sobrang angas mo bilang Rhian pero siguradong mamahalin ng mga Kapamilya natin. Sobrang lupit nila umarte lahat pero ibang klase rin si @AtaydeArjo!!!”
“Ang intense ng first week paano na lang ‘yung mga succeeding episodes? Congratulations @DreamscapePH team. 5 years na paghihintay sa Action-Drama Queen served its purpose. Super worth it.?”
“ANG HUSAY NI ANGEL, yung eksena nila ni Inay Maricel Soriano MATA PALANG UMAARTE NA.”
“She’s destined to be The General’s Daughter. There can only be one Rhian Bonifacio and that is Angel Locsin.”