Bagyong Amang malulusaw

INAASAHANG malulusaw bukas (Martes) ang bagyong Amang.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nagpatuloy sa pagbuhos ng ulan ang bagyo na magpapatuloy kapag naging low pressure area na ito.

Bago magtanghali ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 40 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 45 kilometro sa silangan-timog silangan ng Borongan City.

Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro sa hilaga. Ang hanging dala nito ay umaabot sa 45 kilometro ang bilis at may pagbugsong 60 kilometro bawat oras.

Nag-landfall ang bagyo alas-8 ng gabi noong Linggo sa Siargao island, Surigao del Norte.

Kapag dumaraan sa kalupaan ang bagyo ay humihina ang hangin nito.

 

Read more...