Sunshine, Jackielou may pa-10 year challenge rin sa IG

PARA sa mahuhusay na aktres na sina Jackielou Blanco at Sunshine Dizon, isang reunion project ang Inagaw Na Bituin na mapapanood na sa GMA ngayong Pebrero.

Sa litrato na kanilang ipinost sa social media, nagkwento sila sa kanilang relationship on the set. Para kay Sunshine, kapatid ang turing niya kay Jackielou dahil sa kabaitan nito. Si Jac-kielou naman, napa-throwback sa nakaraang Kapuso program na pinagsamahan nila ni Sunshine—ang Captain Barbell.

Aniya, kahit 10 taon na ang nakararaan noong una silang nagkasama, excited pa rin si Jackielou na makatrabaho uli si Sunshine.

Abangan ang kanilang mga bagong pasabog sa Inagaw Na Bituin kung saan bibida rin sina Kyline Alcantara, Therese Malvar, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Angelu de Leon at Gabby Eigenmann.

Ang musical-drama series na ito ay mapapanood na sa GMA Afternoon Prime.

Read more...