Ka Freddie nganga sa senatorial interview, nangamote sa mga bigating issue sa Pinas

FREDDIE AGUILAR

ISA sa mga nagbuena manong senatorial aspirant para kaliskisan kamakailan ng madlang pipol ay si Freddie Aguilar sa radio program na Dobol B.

Pagkakataon ‘yon ng mga tulad ng maalamat na musikero na ipakilala ang kanilang sarili para ang bayan na mismo ang humusga kung karapat-dapat nga ba silang iboto sa puwes-tong nais nilang sungkitin.

Among others, ang tanong kay Ka Freddie ay tungkol sa kanyang take on the West Philippine Sea na isang matin-ding subject ng dispute sa bansang China sa kung alin talaga ang nagmamay-ari nito.

Ani Freddie, wala siyang alam—base sa kasaysayan—na nangangamkam ng teritoryo ng may teritoryo ang China na agad namang kinontra ng kapwa ring senatorial candidate sa pamamagitan ng pagsasalimbawa ng Scarborough Shoal.

Mukhang mahimbing ang pagkakaborlog ni Ka Freddie sa pansitan at wala siyang kamalay-malay sa mga nagaganap sa bansang gusto niyang pamunuan (isang malaking good luck!) bilang mambabatas. All along Ka Freddie was all too busy with his folk music and hardly found time to grab the day’s papers o magbukas ng radyo o TV to keep himself informed.

Ito ba ang klase ng senatorial candidate na gusto nating iluklok, na kahit ang mga batang nasa elementarya ay mulat ang kaisipan sa tensiyo-nadong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina?

Sa estado ni Ka Freddie na isang revered music icon, huwag na niyang hayaang mabahiran ‘yon kahit katiting na ignorance (read: kabobohan) tungkol sa mga totoong kaganapan sa kanyang kapaligiran.

Maggitara na lang siya, pagpatung-patungin pa niya ang kanyang fully sequined na sombrero, magpahaba na rin siya ng buhok na magastos sa shampoo na aabot hanggang lupa, pero utang na loob, huwag na niyang ambisyuning maging senador.

Hindi na nga siya kabilang sa ticket ng administrasyon, asa pa siya? If we were Ka Freddie, we’d rather direct our energies to instilling proper discipline sa pasaway niyang anak na si Megan, na feeling powers-that-be just because may ipinagmamalaki itong kuneksiyon kuno.

Ayusin din muna ni Ka Freddie ang family dispute sa kanyang bakuran, unless he believes na wala ring nangyayaring ganito sa buong kasaysayan ng Aguilar household.

Read more...