DEAR Aksyon Line:
Sumulat po ako sa inyo upang makapag-tanong sa PVAO tungkol sa aking ama na dating war veteran.
Ako po si Angelina Rosales, pangalawa sa panganay na anak ng yumao kong mga magulang na sina Alejandro Pelipada Rosales at Antonia Zulueta. Namatay na rin kasi po ang panganay na kapatid ko. Bale ako na po ang tumatayong panganay sa ngayon. Ayon po sa record sa masterlist sa provincial office ng pvao lopez quezon , napasama po dun ang pangalan ng aking ama na si Alejandro P. Zulueta, pero hangang ngayon po ay di pa naming na claim dahil nag dadalawang isip po kami dahil patay na nga po ang tatay naming.
Meron po ba kaminh karapatan at maron pa ba kaming rights to claim the benefits of our father? Anu po dapat gawin? Maraming salamat po sa aksyon Line at Pvao. Mabuhay po kayo
Ang inyong masugid na mambabasa,
Angelina Z. Rosales
REPLY: Dear Bb. Rosales,
Batay po sa aming records, wala pong claim o application para sa anumang benepisyo ang inyong ama na si Alejandro Pelipada Rosales o ang inyong ina na si Antonia Zulueta Rosales. Dahil pumanaw na po silang dalawa, tanging Educational Benefit na lamang po para sa isang direct descendant ng World War II veteran ang maari ninyong makuhang benepisyo.
Kung kayo po ay may Military service Record na magpapatunay na beterano ang inyong ama, makipag-ugnayan lamang po sa Philippine Veterans Affairs Office, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Lubos na
gumagalang,
(signed)
Ms. Maria Juanita S. Fajardo-Rivera
Public Information Officer
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!