Marian hot mama pa rin kahit buntis

ZIA DANTES AT MARIAN RIVERA

MAY dalawang pangalan nang pinagpipilian sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa ikalawa nilang baby.

Ngayong summer na manganganak ang Kapuso Primetime Queen sa kanilang baby boy ni Dingdong at ngayon pa lang ay talagang pinaghahandaan na niya ang pagdating ng sanggol.

“Actually, dalawa na yung pangalan na naisip namin. Pero tinitimbang pa at humihingi pa raw siya (Dingdong) kay Lord ng sign kung ano sa dalawa na yun. Pero ako, okay na ako. Ano man sa dalawa na yun, okay ako,” ang chika ni Marian nang makachika ng ilang members ng entertainment media sa sa press launch ng bagong endorsement nila ni Zia, ang Nido 3+.

In fairness, kahit na buntis sa kanyang second child ang sexy-sexy pa rin ni Marian kaya ang tanong sa kanya kung ano ang sinusunod niyang diet ngayon, “Same pa rin naman, pero ngayon kasi, medyo disiplinado kasi ako nu’ng nagbubuntis ako kay Zia. Kapag sinabing bawal, bawal talaga. For example, bawal ang chips o bawal masyado ang chocolate. Dito (second pregnancy) talaga, tumitikim ako.”

Feeling ni Marian, mas malaki ang second baby nila ni Dingdong, “Minsan sobra na parang, ‘Anak…,’ inuusog ko na siya. Sabi ko nga kay Dong, ‘Dad, nasa tiyan pa lang siya, times two na siya ni Zia. What more kung lumabas pa siya?’ Pero okay lang. Sabi ko nga, priceless naman. Lalaki at lalaki din sila, at matatapos naman ang pagiging bata nila.

“So alam mo yun, yun ang mahalaga sa akin, at ito yung talagang pangarap ko, ang magkaroon ng maraming anak. Kasi, di ba, solong anak ako,” chika ng misis ni Dong.

Nakuha na ni Marian ang resulta ng 4D ultrasound scan kung saan makikita ang 3D images ng kanyang baby, “Nu’ng pino-4D namin siya, naku, kamukha talaga ni Dong! Yung panga pa lang, sabi ko talaga, ‘Ay, kayo na naman? Kayu-kayo na lang magkamukha?'” natatawang chika pa ni Marian.

Samantala, perfect naman para kina Marian at Zia ang bagong TV ad ng Nido 3+ kung saan ipinapakita ang pagiging “yes mom” ng Kapuso actress-TV host sa pagiging active ng anak.

“While it is normal for parents to say no to their kids out of concern for their health and safety, it must be considered that it is by saying yes to these activities that important strides in their cognitive, socio-emotional, and physical development are met,” sabi ni Child Development and Education Specialist, Lexie Estacio.

Ayon naman kay Marian, “Hindi madali pero naniniwala ako na by letting Zia do things on her own, mas marami siyang matututunan, not just about the world around her but also about herself. Kaya naghanap talaga ako ng pre-school milk na kayang sabayan si Zia. Ngayon, mas kampante na ako na hayaan siya sa paglalaro.”

Read more...