Angeline niregaluhan ng motor ang driver

ANGELINE QUINTO

Tinupad ni Angeline Quinto ang birthday wish ng kanyang driver. Niregaluhan niya ito ng bagong motorsiklo.

Ibinahagi ito ng singer sa kanyang Instagram, “Ilang buwan ko na rin nakikitang nahihirapan si Kuya Boy sa pag start ng motor niya. Tuwing uuwi siya ng Antipolo, dahil nga daw matagal na, pumapalya na ang makina.

“Kahapon, sabi ko sa kanya, samahan niya kaming bumili ng motor para sa kamag anak ko, siya ang pumili pati kulay at kung anong klaseng motor.

“Ang tagal namin paikot ikot para makapili, hanggang inabot ko sakanya ang susi ng motor niya, ayaw niyang tanggapin kasi alam niya binibiro ko siya.”

Read more...