Tinumbok na rin lang namin si Bong Revilla ay lulubus-lubusin na namin ang pagtalakay sa kanya in this column.
December last year nang sa wakas—makaraan nang mahigit apat na taon sa selda—ay nakamit na ng dating senador ang ganap na kalayaan. Off the hook na si Bong sa kasong plunder o pandarambong except that pinagbabayad siya ng mahigit isandaang milyong piso in civil liabilities na inalmahan niya.
Armado si Bong ng “common sense” being that why make him pay for such kung inabsuwelto nga naman siya? Baka ni singkong duling, banlag, kirat o kahit bulag ay wala siyang dapat bayaran.
Shortly after his release from jail ay bawal na muna siyang humarap o lumantad sa publiko. Ang kanyang presscon kamakailan had to be jointly organized by Mother Lily Monteverde and Marichu Vera-Perez (pero ‘matic namang may partisipasyon doon ang manager ni Bong na si Lolit).
As expected, it was a happy reunion sa pagitan ni Bong at ng select few sa hanay ng entertainment media with the former senator gladly talking about his plans now that he’s a free man.
Kabilang doon siyempre ang pagbabalik-aktibo niya sa showbiz, both in the movies and on TV just waiting for willing takers dahil wala na naman siyang existing contract with GMA.
But his more important agenda, of course, ay ang kanyang pagtakbong muli sa Senado.
Naganap ang presscon bago mag-Jan. 13, ang araw kung kelan opisyal na nagsimula ang election period para sa mid-term elections this year. Hindi kaya siya mabutasan for electioneering?