NASAWI ang isang dalagitang aeta matapos umanong magbigti sa kanilang bahay, sa Sta. Praxedes, Cagayan, iniulat ng pulisya Biyernes.
Nadatnan na lang ng kanyang ama na nakabitin sa kisame ang 16-anyos na anak dakong alas-3:30 ng hapon Miyerkules, ayon sa naantalang ulat ng Cagayan Valley regional police.
Agad ibinaba ng ama ang anak at itinakbo ito sa Rural Health Unit, pero di na umabot nang buhay ang dalagita.
Napag-alaman na alaas-12:30 lang ng tanghali’y nakita pang buhay ang dalagita, bago ito naiwabg mag-isa sa bahay.
Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.