Jessy handa nang magka-baby kay Luis: I’m always ready with you
HANDA na raw si Jessy Mendiola na maging mommy. Ito ang diretsahang sinabi ng dalaga sa kanyang first-ever vlog post.
Ibinahagi ni Jessy sa kanyang social media followers ang nasabing video na kuha sa pagbabakasyon nila ni Luis Manzano sa Okinawa, Japan kamakailan.
Binisita rin ni Jessy ang kanyang kapatid na si Pam at ang pamilya nito sa Okinawa na naging tourist guide rin nila ni Luis sa paglilibot sa Japan.
Mapapanood sa video ang usapan ng magkasintahan tungkol sa kanilang future as husband and wife.
Tinuksu-tukso ni Luis ang kanyang girlfriend habang karga nito ang pamangkin na si Jasmine, anak ng ate niyang si Pam. Ayon sa TV host-comedian, handa na rin daw si Jessy na magka-baby kaya magkakaroon na rin ng “playmate” si Jasmine very soon.
“Ready na si tita. Oli (the baby) call us in 9 months we’ll have a surprise for you,” ang pahayag ni Luis.
Tinanong naman ni Jessy si Luis habang naglalakad sila sa isang pineapple farm kung nakikita na ba ng TV host ang kanyang future.
Sagot ni Luis, “Yup, yun na yun. In two months, dala ko yung baby bag, dala mo si Emma (their future baby), that’s basically it.”
Dito na tinanong ni Luis si Jessy kung handa na siyang maging mommy, “I am ready with you. I’m always ready with you. As long as it’s with you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.