SSS contribution ni mister naihulog sa SSS ni misis | Bandera

SSS contribution ni mister naihulog sa SSS ni misis

Liza Soriano |January 18,2019
facebook
share this

SSS contribution ni mister naihulog sa SSS ni misis

Liza Soriano - January 18, 2019 - 12:10 AM

Hello po may itatanung lang po ako about po sa sss po ng asawa ko dati po xa sa company nag trabaho ngayon po ai nag resign na po problema ko po ung contribution po ng asawa ko sa sss ai napunta po sa sss # ko po nahirapan po kaming itransfer sa sss # nya tanung ko lang po kung pwdi po xa e refund na lang 2 years kuna po kasi inaayos salamat po sa sagot

REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni Joe-
Ar Recabo patungkol sa kontribusyon ng asawa niya na na-post sa SS number niya.

Hindi nabanggit ni Joe-Ar ang SS number niya, at buong pangalan at SS number ng kanyang asawa kung kaya’t hindi namin maberipika ng maayos ang kanyang rekord.

Para sa kanyang kaalaman, kung ang mga kontribusyon na itatransfer ay sa miyembro na may employer, sumasailalim ito sa sumusunod na proseso: magsasagawa ng manual verification kung
saan titingnan ang mga SSS Form R-3 o ang Contribution Collection List na isinusumite ng kanyang employer sa SSS.

Ngunit kung walang SSS Form R-3 sa aming file, hihingan namin ng kopya ang kaniyang employer.
At dadaan din ito sa pangkaraniwang proseso ng pagpost ng kontribusyon sa tamang miyembro.

Samantala, para naman sa mga boluntaryo at self-employed na miyembro, hinihingan ang miyembro ng katibayan ng pagbabayad ng kontribusyon.

Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan niya.

Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL. FRANCISCO
OIC-Department Head
Media Affairs Department
Noted:
MA. LUISA P.
SEBASTIAN
Vice President
Public Affairs and Special Events

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending