Binati ni Maine Mendoza ang kaibigang si Sheena Halili na nagdaos ng kanyang 32nd birthday recently.
Isa si Sheena sa naging malapit kay Meng among Kapuso stars. Nagsimula ang friendship nila nang magkasama sa primetime series na Destined To Be Yours with Alden Richards.
Sa Instagram post ni Maine, nakasaad ang, “Happy birthday beshie! I am always so happy for you.
Thank you for everything. I miss you and I love you! Enjoy your 32nd!”
Para i-celebrate ang kaarawan, bumiyahe si Sheena papuntang Nagoya, Japan, kasama ang non-showbiz boyfriend at fiancée na si Atty. Jeron Manzanero.
Samantala, abangan ngayong Sabado sa Daddy’s Gurl ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid na nagpasilip ng kanyang katawan sa harap mismo ni Meng na kinunan sa loob ng isang elevator, huh!