KAHIT may umiinit na tensyon sa kanilang press conference sa Las Vegas Huwebes, nagawa pa ring mapalamig ito ni Manny Pacquiao.
Habang nagbubunganga kasi si Adrien Broner, nakangiti lang si Pacquiao sa kanyang upuan sa head table at nang umakyat na siya sa podium para magsalita ay nagawa pa niyang magbanggit ng mga Bible verse.
Umubra naman ito dahil hindi siya napasama sa mga binungangaan ni Broner sa presscon.
“I know that both camps worked hard,” sabi ni Pacquiao. “It’s nothing personal, outside the ring we are always friendly. We are friends. That is if you want to be friends with us.”
Subalit nagbago naman ito nang magsalita na si Pacquiao tungkol sa kanilang WBA welterweight title fight ngayong Linggo.
“We should give our best for the fans and make them satisfied,” ani Pacquiao. “For me, I am just doing my job inside the ring. I will go wherever he goes.”
Ipinaliwanag din ni Pacquiao kung paano siya naging matagumpay at sikat na boksingero at binanggit nga niya na disiplina ang kailangan.
“It depends on how you prepare (for a fight), how you work hard. Sometime at this age you become lazy and tired. But I’m addicted to exercise even without a scheduled fight,” dagdag pa ni Pacquiao, na binanggit din na naglalaro siya ng basketball ng halos apat na oras kada araw.
At bago siya dumalo sa presscon nila ni Broner ay tumakbo muna siya sa University of Nevada, Las Vegas track oval. Matapos nito ay balik siya sa kanyang workout sa gym.
“I trained not just my physical body. I also train my mind, as a senator I need that. So I play chess. I read books. I read the bible,” sabi pa ni Pacquiao.