Maymay sa ina: Lagi kang nandiyan para tulungan akong bumangon... | Bandera

Maymay sa ina: Lagi kang nandiyan para tulungan akong bumangon…

Ervin Santiago - January 18, 2019 - 12:25 AM

MAYMAY AT LORNA ENTRATA

Madamdamin ang birthday greeting ni Maymay Entrata para sa kanyang inang si Nanay Lorna na patuloy pa ring nagtatrabaho sa Japan.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapamilya star ang video ng kanyang nanay habang nagbi-videoke at isang photo montage na kuha sa pagbabakasyon niya sa Japan. Pinasalamatan ng dalaga si Nanay Lorna sa pagmamahal at pagsuporta sa kanya kahit na malayo sila sa isa’t isa.

“Dati para sakin pag nagtatagumpay ako, di mahalaga sakin ang kahit sinong tao para suportahan ako.

Ang mahalaga sakin ay yung susuportahan ako kahit pa ulit-ulit akong nadadapa at nahihirapan.
“Sa simula palang ikaw at ikaw lang ang laging andyan para tulungan akong bumangon at wag sumukong abutin ang pangarap ko.
“Simula tayo sa lahat ng auditions ko at mga failures ko hanggang sa nakamit ko na at patuloy pa rin ang pagsubok ay di ka nagbago at andyan ka pa rin. Maligayang kaarawan sa pinaka una’t huling taong mamahalin ako maging sino pa ako sa paningin ng iba. Mahal na mahal kita ma.”
Kamakailan, binigyan din niya ng pa-tribute ang ina bilang isang bayaning OFW, “Ngayon mas naintindihan ko na kung gaano kasakit mawalay sa mahal mo sa buhay para lang matustusan ang pangangailangan nila. Mahal na mahal kita ma alam mo yan.”
“Kaya ang saya saya ko na unti-unti nababawi ko ang lahat ng sakripisyo mo para samin. Kaya sa lahat po ng OFW ako po ay saludo sa sakripisyo, pagtitiis, at pagmamahal ng walang katumbas para lang mabigyan ang mahal nyo sa buhay ng magandang kinabukasan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending