Anak ni Melanie Marquez may tampo sa amang si Lito Lapid?

LITO LAPID

ISA si Lito Lapid na pumasok sa survey bilang top senatoriables na tatakbo sa darating na eleksyon.

Malaking tulong sa aktor para umangat sa recent survey ang appearance niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kahit matagal nawala sa posisyon, gabi-gabi naman siyang napapanood sa aksyon-serye ni Coco Martin.

At tiyak na ieendorso rin siya ni Coco sa mga kampanya.

Samantala, nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang isa sa mga unang naging girlfriend ni Lito sa showbiz noon na si Azenith Briones sa party ng kaibigan niyang character actress na si Isabel Rivas.

Nabanggit niya sa amin na gusto niyang bumalik sa showbiz. Pero ayaw naman daw niya ‘yung basta-basta lang na proyekto, dapat daw ay may katuturan at maganda ang role na gagawin niya.

Except for Ang Probinsyano na type na gustung-gusto niyang panoorin kaya kahit anong role ay tatanggapin niya. Gusto rin niyang makatrabaho ulit si Lito kahit may ka-loveteam na ang action star, si Angel Aquino.

Nabanggit din sa amin ni Azenith na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng isa pang ex-girlfriend ni Lito na si Melanie Marquez at ang anak nilang si Manuelito. There was a time na binisita pa niya si Melanie at Manuelito sa bahay ng mag-ina sa Amerika.

Matagal na raw na hindi nakakausap ni Manuelito si Lito kaya hindi maiaalis na magkaroon ng tampo ang anak ni Melanie sa action star. Pero pinapayuhan daw ito ni Azenith na huwag magtampo sa ama bagkus ay subukang magkaroon uli ng contact with him.

Incidentally, nakita namin si Melanie sa pa-Christmas dinner ng sikat na radio host at talent manager na si Kuya Jobert Sucaldito sa kanyang bahay. Kasama ni Melanie si Manuelito at ang American hubby nitong si Adam Lawyer.

Friends nga raw sila ni Azenith. Bilang ina, gusto niyang maging malapit si Manuelito kay Lito. Pero dahil nasa tamang edad na si Manuelito kaya hinahayaan na niya ang anak na magdesisyon sa buhay.

Read more...