Maricel na-shock nang malamang si Loisa Andalio ang dyowa ni Ronnie Alonte

NA-SHOCK si Maricel Soriano nang malamang si Loisa Andalio pala ang girlfriend ni Ronnie Alonte.

Inamin ng Diamond Star sa nakaraang presscon ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na The General’s Daughter na napaamin niya sina Loisa at Ronnie sa kanilang tunay na relasyon.

Ayon kay Maria, nakuha na agad ni Ronnie ang kanyang atensyon nang makita niya ang binata sa noontime show na It’s Showtime.

“Itong guwapong batang ‘to, na gusto ko sabunutan, napakaguwapo! Dati ko siyang nakikita sa dressing room ni Kuya Vice nila,” unang chika ng award-winning actress.

Sinundan ito ng tawanan mula sa mga miyembro ng entertainment press dahil sa pagtawag ng mga members ng Hashtag kay Vice ng “kuya”.

Kaya agad nagpaliwanag ang aktres, “Ate Vice nila. E, kasi anak ko yun si Vice, e. Kaya ang tawag ko, anak. Sila (mga bagets), hindi ko alam kung anong tawag (kay Vice) , ate ba, kuya ba, tita ba, ano ba?”

Minsan daw silang magkausap ni Ronnie, diretso niya itong tinanong kung sino ang kanyang girlfriend, “Guwapo ka.

Sinong girlfriend mo?” Sabay lingon sa kinauupuan ni Loisa sa presscon at nag-dialogue ng, “Ito pala! Nakakaloka! Na-shocked ako!”

Mabilis bang umamin ang dalawa sa kanya? “I don’t know with you, guys. But with Tita Mary, they said yes! Sabi ko sa kanila, ‘Umamin kayo sa akin!’ Sabi, ‘Opo.’ ‘Good!’

“Tapos tinanong ko, ‘Are you happy?’ Ang sagot, ‘Yes.’ ‘Good!’ O, di ba?!” pahayag pa ni Maricel.

Hirit naman ni Loisa, “Lagi niya kaming binubuking ni Ronnie!”

Kung matatandaan, umamin ang magka-loveteam na dalawang taon na silang magkarelasyon. Mismong si Ronnie ang nagkumpirma na girlfriend na niya si Loisa noong Dec. 9, 2018.

Read more...