SWS: 2.54M pamilya nakaranas na walang makain

MAY 2.54 milyong pamilya ang nakaranas na walang makain sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Sa Fourth Quarter survey ng SWS, nagsabi ang 10.5 porsyento na nakaranas sila na walang nakain (8.9 porsyento ang nakaranas ng minsan o ilang beses at 1.7 porsyento ang nagsabi ng madalas).

Mas mababa ito sa 13.3 porsyento na naitala sa Third Quarter survey (10.6 porsyentong minsan o ilang beses, at 2.8 porsyento ang madalas).

Sa mga nagsabi na nakaranas sila ng gutom, 13.7 porsyento ang nasa National Capital Region, 9.7 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 9.2 porsyento sa Visayas at 11.3 porsyento sa Mindanao.

Noong 2018 ang annual average ng mga nakaranas na walang makain ay 10.8 porsyento, mas mababa ito sa 12.3 porsyento noong 2017.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondents noong Disyembre 16-19.

Read more...