PINAGALITAN ni Pangulong Duterte si Bacolod City police chief Senior Supt. Francisco Ebreo at apat na iba pang opisyal na una nang sinibak sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nagalit ang Pangulo dahil hinayaan nina Ebreo, Senior Supt. Allan Rubi Macapagal, Supt. Richie Makilan Yatar, Supt. Nasruddin Daud Tayuan, at Senior Insp. Victor Paulino na mamayagpag ang droga sa Bacolod.
Dismayado aniya ang Pangulo dahil walang alam ang mga sinibak na pulis sa presensya ng ilang drug personality sa siyudad.
Alas-5 ng hapon kamakalawa nang kastiguhin ni Duterte ang limang pulis sa Malakanyang. Tumagal ang kanilang “pulong” ng 20 minuto.
Tiniyak naman ng Palasyo na bibigyan ng due process ang limang pulis, na isasailalim sa imbestigasyon.
Mariin naming itinanggi ni Ebreo na sangkot sila sa iligal na droga.