Maricel wala pa ring kupas, pasabog sa General’s Daughter


SPEAKING  of Maricel Soriano, medyo nadagdagan lang ang kanyang timbang ngayon pero wala pa ring kupas ang kanyang galing sa akting. Mismong si Angel na ang nagsabi na talagang kinabahan siya nang makaeksena na niya si Maria.

“Unang eksena ko, si Ms. Maricel na agad. Sobrang nerbiyos kasi si siyempre Diamond Star, bukod sa napakagaling na, napaka-professional pa. Imagine, ala-siyete ang call time, alas-kuwatro, nangagatok na siya sa mga kuwarto,” kuwento ni Angel.

“Ang galing pa rin niya, wala pa ring kupas and she’s very supportive sa aming lahat,” ani Angel.

Read more...