Martin bumigay kina Kiko at Akihiro sa ‘BB’; nagpa-wax ng balahibo sa buong katawan


PINAGSABAY ng Kapuso actor na si Martin del Rosario ang GMA teleserye niyang Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan gumanap siyang rapist at ang series and movie version ng “Born Beautiful” where he plays a transwoman.

Pag-alala niya sa interview ng GMA sa paglalagare niya sa dalawang proyekto, “Pag nasa set ako ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, may eyeliner pa ko minsan na hindi ko matanggal-tanggal! Ha! Ha! Ha!” saad ni Martin.

Agad ngang pinag-usapan ang “Born Beautiful” dahil sa laplapan at espadahan scenes niya with Kiko Matos and Akihiro Blanco. Talagang itinodo raw ni Martin ang lahat-lahat sa project na ito kaya siguradong masa-shock ang kanyang fans.

Ayon pa sa aktor, mas malala raw ang mga eksena niya sa series na Born Beautiful kumpara sa film version nito na sequel nga ng award-winning movie ni Paolo Ballesteros na “Die Beautiful”.

‘Yun nga lang, R-18 na ang rating na ibinigay ng MTRCB sa pelikula nina Martin at with cuts pa ‘yon, huh!

Pagdating sa kissing scenes at love scenes niya with Kiko and Akihiro, “Mas wild ‘yung kay Kiko at ‘yung sa amin ni Akihiro, romantic at passionate. Pang-good boy at bad boy!

“Pinagsabay niya ang dalawa at siyempre as Barbs (character niya sa kuwento), sarap na sarap siya roon! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Martin.

Kabado siya nu’ng unang kunan ang halikan nila ni Kiko pero lumabas naman daw na maayos at artistic

ito.
“‘Yung unang sunggab ba? Pero pinag-usapan namin ni Kiko na bigay na nating lahat. ‘Yung script sa unang kissing scene gustung-gusto ko talaga!

“So ako as an actor, ayoko nang matipid. Pinag-usapan muna namin ni Kiko kung paano ang atake. One take siya pero maraming shots! May padila! Ha! Ha! Ha! Pati yung sa amin ni Akihiro!

“Sa traysikel ‘yung love scene namin ni Kiko at sa taxi ‘yung amin ni Akihiro!” natatawa pang kuwento ni Martin.

Para maging makatotohanan ang pagiging babae, talang kinarir niya ang training, nagpa-wax ng mabalahibong bahagi ng kanyang katawan at nag-practice ng paglalakad with heels.

“Ang original na lakad ko, sakang at medyo pa-tiptoe pa. So isa ‘yon sa pinakamahirap na eksena kapag pageants. Nakailang session ako at ‘yung pagpapalambot ng hips para mag-sway.

“Kay Wilma Doesnt ako nag-train. First time ko ring magpa-wax ng buong katawan ko. Hindi naman masakit. Sabi ng sisters ko na nagpapa-wax din, mas maganda raw ‘yung cold wax.

“Pero iba pala kapag maraming buhok at makapal. Iba ang sakit. Dumudugo. Umiiyak nga ako sa sobran sakit tapos sabay-sabay pa yung pagtanggal!

“Eh, huli ‘yung sa part na ‘yon, nang malaman kong masakit, sabi ko huwag na! Ha! Ha! Ha! Ibang sakit. Sobrang dugo sa dibdib at sa kilikili. Masakit at namaga ‘yung katawan ko!” kuwento pa ni Martin.

Read more...