Wendell-Jo loveteam pampakilig sa ‘Onanay’


IN fairness ha, marami na ring supporters ang tambalan nina Jo Berry at Wendell Ramos sa GMA Telebabad series na Onanay.

Maraming natutuwa at kinikilig sa loveteam ng dalawa sa nasabing serye bilang sina Lucas at Onay. Sila ang laging magkaeksena ngayon kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans sa panonood ng Onanay gabi-gabi. Sa katunayan, umaariba rin sa mga trending topic sa social media ang tambalan nilang LuNay.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Wendell ng isang video kung saan mapapanood ang pagpapasalamat nila ni Jo sa mga taong walang sawang sumusubaybay sa Onanay, lalo na sa mga nagmamahal sa LuNay.

Chika ni Wendell, “Sa lahat po ng nanonood at sumusuporta sa Onanay, maraming-maraming salamat po at abangan n’yo po ‘yung aming love team.”

Hirit naman ni Jo, “Marami pong revelation, abangan n’yo po ‘yan!”

Sa pagpapatuloy ng Onanay, hindi nagtagumpay ang balak nina Helena (Cherie Gil) at Natalie (Kate Valdez) na tumakas kaya naman masayang-masaya sina Onay at Lucas. Ano na ang mangyayari kay Helena ngayong nahuli na siya ng mga pulis? Matanggap na kaya ni Natalie na ang tunay niyang ina ay si Onay at kapatid nga niya ang kinamumuhiang si Maila (Mikee Quintos).

At siyempre, may happy ending nga kaya ang pagtitinginan nina Lucas at Onay?

Huwag palampasin ang Onanay, gabi-gabi pagkatapos ng Cain At Abel sa GMA Telebabad.

Read more...