Sharon proud maging muse ng Magnolia, dedma sa mga laitera


WALANG paki si Megastar Sharon Cuneta sa mga netizens na nanglait sa kanya bilang muse ng Magnolia Hotshots sa ginanap na opening ng 44th season ng PBA sa Philippine Arena last Sunday.

Marami kasi ang nagulat at nagtanong kung bakit daw si Mega ang kinuhang muse ng Magnolia at ipinangtapat sa mga mas bata at mas seksing muse tulad nina Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Sam Pinto at Yam Concepcion.

Pero dedma lang sa mga laitera at mga haters si Sharon. Aniya, “Nothing, they don’t mean anything to me. Because I’m the one that’s here. I was chosen by Magnolia. I didn’t volunteer.

“I’m their major endorser and I think that understandable. It’s really my honor,” sey pa ng singer-actress sa isang panayam.

Read more...