Ai Ai naunahan pa ni mister na makaeksena si Cherie Gil


NAUNAHAN pa si Ai Ai delas Alas ng asawang si Gerald Sibayan na makaeksena si Cherie Gil!

Ooopps, hindi naman ito ‘yung eksenang may tarayan o sampalan, huh! May special appearance lang si Gerald sa primetime serie ng GMA 7 na Onanay.

Sa Instagram post ng Comedy Queen, makikita sa litrato na nasa eroplano si Gerald kasama ang kanyang instructor na si Capt. Louie Concha habang nagte-training bilang piloto sa Asian Institute of Aviation (AIA).

Caption ni Ai Ai sa kanyang IG photo, “Ang asawa ko ayos ahhh artista na and yung instructor nya AIA @gerald_sibayan @louieconcha.”

Sa nasabing eksena sa Onanay, sakay ng maliit na eroplano sina Cherie at Kate Valdez na tila patakas. Ang ikinatuwa ni Ai Ai, may dayalog ang kanyang darling pati ang piloto.

Biro ng isa niyang follower, naunahan pa siya ng asawa na makaeksena ang award-winning actress at la primera kontrabida na si Cherie!

Of course, kahit pasado ang mukha bilang artista, hindi pang-showbiz ang gaya ni Gerald, huh!

Read more...