Lovers In Paris star Park Shin Yang balik sa season 2 ng My Lawyer, Mr. Joe


PALABAS na rin ang season 2 ng Korean serye ng sikat na aktor na si Park Shin Yang, ang My Lawyer, Mr. Joe.

Nakilala nang husto si Shin Yang sa kanyang hit series na Lovers In Paris noong 2004.

Dahil sa average viewership rating na 40+% at pinakamataas na rating na 56.3%, isa ang Lovers In Paris sa mga tinaguriang most highly rated Korean dramas of all time.

Nagbalik si Shin Yang sa My Lawyer, Mr. Joe noong 2018 matapos ang limang taong pagkawala at dahil sa magandang rating nito, ginawan agad ito ng season 2 na kilala rin sa titulong Neighborhood Lawyer Jo Deul Ho!

Magpapatuloy ang kwento ng hardworking prosecutor na si Jo Deul Ho sa bagong season, dito ipakikita ang buhay ni Jo Deul Ho matapos siyang tanggalan ng lisensiya dahil sa akusasyon ng malaking law firm na hindi naman niya ginawa.

Nagsimula ang My Lawyer, Mr. Joe 2 noong Enero 7.

Read more...