GMA umamin na gumagamit ng marijuana pain patch

INAMIN ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kahapon na gumagamit ito ng marijuana pain patch para sa kayang cervical spine problem.

Sa panayam, natanong si Arroyo kaugnay ng status ng pinagtatalunang medical marijuana bill. Siya ay isa sa mga may-akda ng panukala.

“Well, as you know I am an author of that. I really believe in medical cannabis. As you know I have my problem here (cervical spine) and when I’m in a country that allows it, I put a pain patch but here in the Philippines I cannot do it,” ani Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na nakakatulong sa mga katulad niya ang medical marijuana kaya sinuportahan niya ito sa Kongreso upang makatulong din sa ibang nangangailangan nito.

“So I authored that bill because I believe that it can help me and many other people but there was a lot of objection to the bill from the House and from the Senate. That’s why we are just letting the legislative process take its course. Right now it’s on second reading,” dagdag pa ni Arroyo.

Nauna ng iginiit ni Isabela Rep. Rodito Albano na hindi recreational kundi medical lamang ang papayagan sa ilalim ng kanyang panukala.

Sinabi ni Albano na hindi rin hihithitin ang marijuana gaya ng ginagawa ng mga adik kundi ito ay langis na magagamit ng mga pasyente

Read more...