Iza ayaw pang magpabuntis kay Ben Wintle: May hiling ako sa kanya…


AYAW pa palang mabuntis ni Iza Calzado bagama’t kasal na siya sa kanyang mister na si Ben Wintle.

“Not yet kasi mayroon pa akong prior commitment na sana matuloy na talaga this year. Tapusin ko lang yun. Yun lang ang hiningi ko kay Ben.

“Saka may mga gusto lang muna akong puntahan sana bago kami magkaanak, parang honeymoon.”
‘Yan ang say niya sa recent interview para sa isang online portal.

Anyway, pahulaan pa kung ano ang mangyayari sa Rebecca character ni Iza sa Ngayon At Kailanman.

Painit na nang painit ang mga eksena sa pinagbibidahang toprating teleserye nina Julia Barretto at Joshua Garcia lalo na’t magtatapos na ito this Friday.

Mamamatay raw ang character ni Rebecca, that’s according to rumors at ‘yan din ang hula ng netizens.

Let’s just wait and see kung mangyayari nga ito.

Read more...