Horoscope, January 15, 2019 | Bandera

Horoscope, January 15, 2019

Madam Sophia - January 15, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Palamig ng palamig ang panahon, pero patuloy naman ang pag-init ng relasyon. Sa pinansyal, aakalain mong lumalakas ang gastos, pero ang hindi mo inaasahan bigla ring lalaki at madodoble ang pasok ng pagkakakitaan. Upang mas mabilis na umunlad at yumaman na ng husto, tipid-tipid pa rin ang diskarteng dapat na ipatupad. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2019 higit sa iyong inasahan ang grasyang darating. Kapag maraming grasya, ipunin ang iba at ipamahagi naman ang sobra sa mga mahihirap at kapos-palad. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal, dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig, ng lambing at ng pagmamahal. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa taong ito ng 2019 ipriority ang pagpapaganda at kalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit. Sa pag ibig sa malusog na pangangatawan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kahit malamig ang panahon, hindi dapat tamarin. Lalo mo pang paigihan at pagbutihan ang anumang iyong ginagawa, dahil ito ang panahon na tanging ipinagkaloob sa iyo ng langit upang tuloy-tuloy ka ng umunald at yumaman. Sa pag-ibig, okey lang na kunsintihin ang luho ng kasuyo tutal pareho naman kayong nasasarapan. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) —Masosolusyunan ang problema kung sa halip na emosyon, rason at pratikalidad ang pagaganahin. Habang hinahawakan at sinusupil mo ang iyong damdamin, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag maging mapaglaro sa pag-ibig upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Ang pagiging tapat ay nagbubunga ng kaligayahan, habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagdudulot ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om”. Gray at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa taong ito ng 2019 bilis ang susi upang lumigaya at umunlad ka agad. Sa anumang transakyong papasukan, bilisan mo ang pagkilos upang tumabo ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, bilis din ang susi upang muling mag-alab ang naghihingalong relasyon. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Yellow at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Sa taong ito ng 2019 hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat may malaking problemang makakaharap. Sa pag-ibig, wag agad papatol sa isang relasyong hindi pa napapanahon at hindi pa dapat. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Magiging mabunga ang taong ito ng 2019 kung lalakasan mo ang iyong loob. Bagay sa iyo ang diskarteng sugod ng sugod upang mapitas ang malaking tagumpay at tuloy-tuloy na pag-unlad. Red ang mapalad na kulay sa buong taong ito ng 2019, upang matupad na lahat ang iyong mga pangarap sa pag-ibig, sa pamilya at maging sa materyal na bagay. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang iba ay kailangang pang magdagdag ng kilos at gawain upang umunlad at yumaman, pero ang sa iyo ay kakaiba, sa taong ito ng 2019, kahit hindi ka magsagawa ng extra pagkilos, kusa kang lalapitan ng suwerte at magandang kapalaran. Sa panahong ito lalo darami at lalakas ang iyong kinikita at marami pang suwerteng hindi inaasahan ang darating. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito ng 2019 umpisahan mo ng palaguin ang kabuhayan at lalo mo pang sipagan ang mga gawaing pinagkakaperahan. Bukas ang bintana ng langit para sa iyo, basta maging busy ka lang, bubuhos ang mas maraming suwerte at mga biyayang pangmateryal ngayong taong ito ng 2019. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Huwag kang magmukmok sa iyong silid. Lumabas ka ng bahay dahil sa taohng ito ng 2019, nasa labas ng bahay ang suwerte at magandang kapalaran iyong hinihintay. Sa ganyang paraan, higit na mas magiging produktibo at maligaya ang buhay sa buong taong ito ng 2019. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tama ang ginagawa mong pagsisikap para sa pamilya. Pinapanood ka ng langit. Kaya nga sa taong ito ng 2019 ilalawit sa iyo ang kamay ng awa na punong-puno ng mga biyaya at pagpapala, hindi lang para sa iyo kundi para sa buong pamilya. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending