Relasyong Oyo-Tintin dapat gayahin ng mga young couple


ISA  sa mga young showbiz couple na hinahangaan ng marami ay ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa.

Walong taon nang nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa at going strong pa rin hanggang ngayon ang kanilang pagsasama.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Oyo ng litrato nilang dalawa ni Tin at ilang photos kasama naman ang kanilang mga anak. Dito ibinandera ng aktor ang kanyang kaligayahan dahil magkakasama pa rin sila sa dalawang mahalagang okasyon sa kanyang buhay.

Magkasabay na ginanap ang kanyang birthday at ang wedding anniversary nila ng asawa.

Narito ang caption ni Oyo sa kanyang IG post, “Happy na, birthday pa, anniversary pa! Solid! Salamat Lord sa walong taon. Ibang klase, only by God’s grace. Salamat din sa tatlumput limang taon dito sa mundo. I love you @khsotto thank you to my children. Ate Dre, anyare sa wacky face mo? Love you guys!”

Read more...