‘Rainbow’s Sunset’ ni Manoy pasok sa Top 5 ng 2018 MMFF


PINAAAYOS na ni Harlene Bautista sa award-winning writer ng “Rainbow’s Sunset” na si Eric Ramos ang next project ng Heaven’s Best Entertainment.

Sa thanksgiving party na ginanap last Sunday sa Salu resto, biro ni Harlene kay Eric, gawin na ang “Rainbow’s Sunrise” bilang follow up sa most awarded entry sa katatapos lang na 2018 Metro Manila Film Festival.

“Maraming nagri-request na gawin itong stage musical at iba pa. Pero siyempre, natutuwa kami at mula sa kulelat eh, nasa number five na ito sa walong entries.

“Natuwa ako dahil naghintay sina direk Joel (Lamangan) at Dennis (Evangelista, line producer) sa desisyon namin bago gawin ang movie. Siyempre, budget ang kailangan eh, hindi naman kalakihang kumpanya ang Heaven’s Best.

“May mga artista ring hindi pumuwede at ‘yung pumalit naman ay good choice.

“This year, maraming invitations para sa international film festivals, invitation from LGBT communities and Filipino communities abroad. Ayusin muna namin ‘yon bago ang next project ng Heaven’s Best,” pahayag ni Harlene na mangiyak-ngiyak sa success ng huling proyekto ng Heaven’s Best.

Pahayag pa niya, nababawi na ng pelikula ang investment nila kumpara sa unang araw ng showing nito. Inakala kasi niyang magiging traumatic ang experience sa paggawa ng “Rainbow’s Sunset.”

Read more...