Sharon agaw-eksena bilang muse sa PBA opening; ilang players nagpa-selfie pa


SIMPLENG blue suit ang suot ni Sharon Cuneta sa opening ng PBA games last Sunday bilang muse ng Magnolia Hotshots team.

Yet, lutang na lutang pa rin ang pagiging sopistikada ng Megastar sa mga kasabayang muse ng ibang teams kabilang na ang mga kapwa-artista at ilang beauty queens.

Tuwing PBA opening, atraksyon na ang presence ng mga artista at beauty queens pero ang presence ni Shawie sa opening day ay memorable hindi lang sa team na sinamahan niya kundi maging sa PBA fans.

No wonder, ‘yung ibang players ng Magnolia gaya ni Peter June Simon ay sinamantala ang pagkakataon upang magkaroon ng selfie with the Megastar.

Rumampa rin sa nasabing PBA event bilang muse sina Pia Wurtzabach, Kylie Versoza, Sam Pinto, Yam Concepcion at Klea Pineda.

Read more...