PINAUWI ni Willie Revillame ang isang babae na nasa studio audience sa nakaraang episode ng Wowowin.
Kinusap siya ng TV host-comedian bago simulan ang “Hep Hep Hooray” segment ng programa at sinabi nga nito na iniwan lang niya ang kanyang apat na buwang anak para lang makapanood nang live sa Wowowin.
Sabi sa kanya ni Willie, “Anak mo ang intindihin mo,” sabay abot ng pera. Binigyan din siya ng jacket, cellphone at iba gift packs.
Bago pauwiin, pinayuhan muna siya ni Willie, “Hindi tama ‘yung iwan ‘yung anak niyo na walang kinakain.
Hindi tama ‘yun. Pabayaan n’yo na siyang umuwi, ah. Eh ‘yung anak nito hindi pa dumedede. Mag-isip kayo, hindi ba kayo nanay? Umuwi ka na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.