MADALAS ka bang uminom ng soft drink o ito na ang tubig mo?
Careful, dahil may pag-aaral na ang madalas na pag-inom ng soft drink ang siyang itinuturong dahilan sa pagkakaroon ng chronic kidney disease.
Pinag-aralan ng mga mananaliksik sa Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health sa Baltimore, Maryland, ang 3,003 African-Ame-rican na walang problema sa bato at nakilahok sa Jackson Heart Study na nag-aaral ng mga nakakaapekto sa pagkakaroon ng high blood pressure, heart di-sease, strokes, at diabetes.
Sinimulan ang pag-aaral noong 2000 hanggang 2004 at nagkaroon ng follow-up study noong 2009 hanggang 2013.
Natukoy sa resulta ng pag-aaral ang kaugnayan ng pag-inom ng soda at sweetened fruit drinks, sa pagkakaroon ng CKD.
Ang mga mahilig sa soda at sweetened fruit drink ay mas mataas ng 61 porsyento ang tyansa na magkaroon ng CKD.
Ang resulta ng pag-aaral ay dumagdag sa mga naunang pananaliksik kaugnay ng epekto sa kidney ng mga matatamis na inumin.
Ang bago sa resulta ng pag-aaral ay ang epekto ng labis na pag-inom ng sweetened at flavored water sa CKD.