Kim emosyonal sa pagse-celebrate ng b-day ng nanay… sa libingan

NAGING emosyonal si Kim Chiu sa pagse-celebrate ng birthday ng kanyang ina kahapon.

Dumalaw ang Kapamilya star sa libingan ng inang si Louella Yap Chiu para doon ipagdiwang ang kaarawan nito. Pumanaw si Mrs. Chiu dahil sa brain aneurysm anim na taon na ang nakararaan.

Nag-post si Kim ng litrato niya sa Instagram na kuha sa libingan ng ina. Dito makikita si Kim na nakatalikod habang nakaluhod sa puntod ng ina na punumpuno ng makukulay na bulaklak. Meron ding tatlong bowl ng prutas at mga bottled water na kalimitang ginagawa ng mga Filipino na may dugong Chinese.

At sa caption nga nito (na parang tula), ramdam ng kanyang mga followers ang sobrang pangungulila sa kanyang nanay.

“A million times I’ve needed you, a million times I’ve cried.

“If love alone could have saved you, you never would have died,” reads an excerpt of the poem Kim quoted on Instagram.

“In life, I love you dearly, in death I love you still.

“In my heart you hold a place no one else can fill.

“It broke my heart to lose you. But you didn’t go alone, part of me went with you, the day God took you home,” ang caption ni Kim sa kanyang IG photo.

“Happy birthday in heaven, mama! I love you,” ang panghuling mensahe ni Kim para sa kanyang nanay.

Read more...