Basura ng Korea bumiyahe na pauwi

BUMIYAHE na ngayong araw ang bahagi ng 51 container ng basura pabalik ng South Korea.

Ayon sa Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, ang pagdating ng basura sa bansa ay paglabag ng batas ng Pilipinas, Korea, at Basel Convention.

“Our resolute stance to get the garbage returned to its sender shows how much we, the Filipino people, want our fragile ecosystems to be protected against the adverse effects of waste trafficking, which is a serious threat to our people’s lives, their health and the environment,” ani Lucero.

Umaasa naman si Lucero na gagaya ang Canada sa ginawa ng South Korea. Mula 2013-2014, pumasok ang 103 container van ng basura mula sa Canada at idineklarang recyclable plastic. Noong 205, 26 sa mga ito ang itinapon sa landfill sa Tarlac.

Sinabi naman ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy na dapat ay managot ang nasa likod ng importasyon ng mga basura.

Dapat din umano ay maibalik ang lahat ng basura sa South Korea at walang dapat na matira sa bansa.

“All, not just part or some, of the total garbage shipments stored at MICT should be returned to South Korea. All of it. There should be no gray areas in this regard,” ani Uy.

May natitira pang 5,000 metriko tonelada ng basura ang naiwan sa bansa at inaasahan na maipadadala na rin pabalik bago matapos ang buwan.

Sinabi ni Uy na dapat ay gumawa ng hakbang ang gobyerno upang hindi na muling maulit ang pag-angkat ng basura.

Read more...