Pasok pa rin si Imee sa ‘Magic 12’

ILANG buwan bago ang aktuwal na eleksiyon sa Mayo, magkasunod na nagpalabas ang Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia ng resulta ng survey kaugnay ng mga kandidato na pasok sa Magic 12 senatorial elections.

Base sa resulta ng SWS at Pulse Asia, ang mga reelectionist senators na sina Sen. Grace Poe at Sen. Cynthia Villar ang nangunguna pa rin matapos namang maging number 1 at number 2, kung saan nakakuha sila ng 75.6 porsyento at 66.6 porsyento sa Pulse Asia survey.

Base rin sa isinagawang suvey ng Pulse Asia na isinagawa mula Disyembre 14-21, pasok pa rin sa Magic 12 si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Nasa number 11 si Imee sa SWS survey, samantalang nasa number 10 naman siya sa Pulse Asia survey.

Ito’y sa kabila naman ng mga pagbatikos sa pamilya Marcos ng mga makakaliwang grupo at maging ng mga tinaguriang mga dilawan.

Nangangahulugan ito na hindi epektibo ang ginagawang paninira at iba pa rin ang suporta sa pamilya Marcos.

Kilala ring balwarte ni Imee ang tinatawag na solid north. Hindi matatawaran ang suporta ng mga taga-norte sa mga Marcos dahil na rin sa nagawang mga proyekto sa nasabing mga lugar na tinatamasa ng mga tao.

Bukod sa solid north, suportado rin si Imee ng Kabisayaan, Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Kabilang din sa kilalang sumusuporta kay Imee ay si Pangulong Duterte.

Dahil magsisimula na rin ang kampanya para sa nakatakdang halalan sa Mayo 13,  asahan pang tataas ang ranking ni Imee sa mga darating na survey.

Inaasahang mas magiging agresibo ang lahat sa pagsisimula campaign period sa Pebrero 12.

Kabilang sa adbokasiya na dapat isulong ay ang maging mura ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalu na ang presyo ng bigas.

Tiyakin din ang pagbibigay suporta ng mga lokal na pamahalaan sa mga magsasaka, kagaya ng pagbibigay ng mga binhi at pataba.

Dapat ay bumaba rin sa mga lalawigan ang  pagkakaloob ng 4Ps, partikular sa mga magbubukis at mangingisda.

Read more...