Wish ng fans nina Barbie at Jak tinupad ng GMA; Kara Mia inaabangan na

INIINTRIGA  na ngayon pa lang ang upcoming Kapuso series na Kara Mia. Hindi pa man ito umeere sa GMA ay mainit na itong pinag-uusapan sa social media.

Kakaiba kasi ang konsepto nito na tungkol sa magkapatid na characters nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, na may isang ulo pero dalawa ang mukha, huh!

Pahayag nga ni Mika, “Nu’ng nalaman namin ang concept at story, nakaka-shock talaga at nakakaintriga. May ganu’n pala talagang condition.

“It took us also quite a while to get used to the idea. We found it quite creepy at first but when you go deeper into the story dun mo ma-appreciate na it’s special and unique,” aniya pa.

Makakasama ni Barbie sa seryeng ito ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto. Ito rin ang biggest project ni Paul Salas matapos bumalik sa GMA kung saan makakatambal naman niya si Mika.

Actually, answered prayer ang Kara Mia sa mga fans nina Barbie at Jak na matagal nang nagdarasal na sana’y pagsamahin uli ng GMA sa isang teleserye ang dalawa na huling nagtambal sa Meant To Be.

Mismong sina Barbie at Jak na rin ang nagsasabi noon na dream din nila ang magkaroon uli ng soap together kaya naman very thankful sila sa GMA dahil sila ang napiling bumida sa Kara Mia.

Read more...