Daddy’s Gurl nina Maine at Bossing gumawa agad ng rcord sa ratings game

By Jun Nardo January 13,2019
share this

Daddy’s Gurl nina Maine at Bossing gumawa agad ng rcord sa ratings game

By Jun Nardo January 13,2019
share this

MAINE MENDOZA AT VIC SOTTO

FEELING nasa cloud 9 ngayon ang cast members at buong production ng Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl.

Pasok kasi sa Top 5 TV programs na may pinakamataas na rating ang nasabing programa mula Dec. 31, 2018 hanggang Jan. 6, 2019 ayon sa data na inilabas ng NUTAM.

Isa siyempre sa mga tuwang-tuwa sa achievement na ito ng Kapuso sitcom sa halos apat na buwan nito sa ere ay ang director na si Chris Martinez.

“We are barely 4 months old but we are feeling the level! Top 4!” bahagi ng post ni Chris Martinez kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng artistang kasama sa show, sa mga advertisers and of course sa loyal viewers ng sitcom.

Hindi lang sa ratings game panalo ang weekly show nina Vic Sotto at Maine Mendoza dahil maging sa social media ay winner ito bilang laging trending ang bawat episode ng Daddy’s Gurl tuwing Sabado ng gabi, huh!

Ibig sabihin lang nito, magtutuluy-tuloy pa rin ang swerte ni Maine ngayong 2019. At sana nga tulad ng request ng AlDub Nation sila na nga ni Alden Richards ang mapili ng GMA para sa Pinoy version ng hit Korean series na Descendants Of The Sun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending