Hollywood star Darren Criss may pa-tribute uli sa inang Cebuana


MULING  ibinandera ng Filipino-American actor na si Darren Criss ang pagmamahal at pasasalamat niya sa kanyang inang Cebuana matapos manalo ng best actor sa nakaraang Golden Globes Awards.

May pa-tribute uli ang Hollywood star sa inang Filipina na si Cerina Criss sa pamamagitan ng isang photo nilang mag-ina na may madamdaming caption. Aniya, “Morning after Golden Globes celebration was full of Filipino treats including this fun spritely lady with me … ‘who dreamed of coming to this country and getting invited to glamorous parties like this…’ Well Mom, I’m glad you made it.”

Si Darren ang first Filipino-American na nanalo ng Golden Globe award. Sa kanyang acceptance speech, talagang buong pagmamalaki niyang inihandog ang trophy niya sa ina.

“Mom, I know you’re watching this. I love you dearly. I dedicate this to you. This is totally awesome,” aniya pa.

Read more...