Tyra Banks hindi pa rin maka-move on sa ‘lava walk’ ni Catriona


HINDI pa rin pala maka-move on ang supermodel-TV host na si Tyra Banks sa paandar at viral lava walk and slow mo twirl ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Nitong weekend, hindi napigilan ni Tyra ang ibandera sa buong universe sa pamamagitan ng Twitter ang kanyang pagka-amaze until now sa pagrampa ni Catriona sa Miss U grand coronation day.

Tweet ni Tyra, “Can’t stop thinking about that #LavaWalk.” Agad namang sinagot ni Catriona ang mensahe ng supermodel at nagpasalamat sa compliment na natanggap. Ayon pa sa Pinay beauty queen, it would be a dream come true kung makakasama niya sa rampa si Tyra.
Nauna nang pinusuan ni Catriona at ng milyun-milyong Pinoy ang pagbati ng America’s Next Top Model host kay Catriona nang manalo itong Miss Universe.

Read more...